Nagpaparamdam lang….

September 26, 2007

dexter
Musta? Pasensya na po sa aking loyal reader (s?). Mahirap mang paniwalaan — pero busy po kasi ako sobra with work. Yup. You heard it right…. Busy ako dito sa aking office… working… with work related matters… tangible work related matters… not fictional ones… real ones…. with documents and all….

Actually — ako rin naman ang may kasalanan kung bakit ako naging masyadong busy. The tasks were given a month ago … and being a true blue pinoy na namaster na ang manana habit… hindi ko ito agad ginawa. Nakakatamad e. Marami pa naman akong oras. Ayun… sa sobrang katamaran… naghahabol ako since last week. Ang siste pa… di ako sa main system changes naging busy. Sa mga dokumento na kailangan ipasa. Asus. Sobrang dami ng mga dokumento na kailangan gawin. May document pag binago ang isang document. Pag umihi si San Pedro… my document. Ewan. Wala namang nagbabasa ng mg dikumento na to.

Pero dahil sa likas akong magaling. ☺ Natapos ko na karamihan nito kahapon. Naisubmit ko na ito kay Lola for review. At dahil hirap na syang magbasa — mukhang kailangan nya ng oras para reviewhin ang aking napakaganda at napakakumpleto na trabaho. Siguro bukas ipapabago na naman nya ang mga sentences na ginamit ko. Kahit pareho lang kami ng ibig sabihin at tama naman ang aking grammar…. ipababago pa rin nya. Hay. Kung hindi lang dapat igalang ang matatanda – nakatikim na sya sa akin ng tadyak. Pero dahil pinalaki akong respectful to the elders…. Pinag-uusapan na alng namin sya ng palihim dito sa office.

Update? Wala namang masyado… bwiset pa rin ang mga nilalang dito sa aking opisina. Makakalimutin pa rin si Lola… Mahilig pa rin sa pagpapaganda si Ate Vi…. Papansin pa rin si Sassy… at hindi pa rin naliligo si Chichay. Tuloy ang buhay sa opisina-serye ng aking buhay.

Bilang pagtatapos sa blog entry na ito… may kaunting game tayo… hulaan nyo kung sino ang kausap ko …

???: Okay naman ang gawa mo. Pero… bakit hindi naka-align yung ibang table sa column in relation with the other columns?
Ako : Baka hindi sila conformist! Individuality na kasi ang uso ngayon! Di tulad mo. Ginagaya ang star for all seasons! Hmp. Panyo gusto mo?

???: Naipadala mo na ba yung document [name of document]
Ako: Opo. Last week pa po ang deadline nun di ba?
??? : Ganun ba? Nalimutan ko e.

???: Okay naman ang gawa mo. Palitan mo lang ng “Nil” yung “None”
Ako: Bakit? Para mas maigsi? Hindi naman SMS yan e… Document. It doesn’t matter.. promise! Dumihan kita dyan e! Hmp.


Buti Nga!

September 19, 2007

avenueq

Schadenfreude — German for “Happiness at the misfortune of others”. O wag na masyadong magmalinis. Bad as it may seem — we have all felt this. Ang tumanggi — medyo may pagkaplastic. Kung may mga taong nang-iisa sa atin … tapos napahamak sya… di ba sabihin natin buti nga… ayan nakarma…. so in German pala Schadenfreude … ito ang tawag sa nararamadaman natin.

Lam ko.. walang sense na entry … pero bagong kaalaman lang kasi….. naririnig ko na kasi ito dati.. pero di ko maintindihan… ngayon alam ko na…

Special thanks sa Avenue-Q … kung hindi kasi masyadong maingay ang pinoy blogosphere tungkol sa opening ng Avenue-Q musical sa Pinas … hindi ako macurious bakit sila nagkakagulo… hindi ako maghahanap at makakakita ng original Brodway recording nung musical na ito…. Hindi ko mapapakinggan yung mga kanta… at hindi ko malalaman kung ano ibig sabihin ng Schadenfreude.

Lesson of the story —- minsan mainam din ang maging tsismoso…. ☺

More info on :

    http://en.wikipedia.org/wiki/Schadenfreude

For Avenue-Q :

    http://en.wikipedia.org/wiki/Avenue_Q

News Flash

September 19, 2007

newsflash

1. e-Bay Stops the Sale of Belgium
- Apparently someone was selling Belgium … yup… the country…. in eBay. Pero di dito nagtapos… the bidding went as high as 10 million euros before eBay pulled out the ad. Hay… akala ko sa Pilipinas lang maraming mahuhusay na nilalang. Meron din pala sa ibang bansa.

2. China Web-user Dies After 3-day Online Binge
- According to the news – the 30 years old Chinese man suddenly collapsed in front of his computer terminal at a cyber café. Death was due to heart problems. Ayan… sobrang addict kasi. Hay naku – baka naman inatake sa puso nung makita nya yung babayaran nya na computer rental fee.


Central Perk

September 17, 2007

I spent a big part of my weekend watching the sitcom Joey starring Matt Le Blanc. It’s the spin-off of the hugely popular sitcom Friends. Too bad the show got cancelled after one season. It’s definitely no Friends… and Joey’s character can sometime be… sabi nga ng mga kapatid nating bisaya “nakaka-kapuy” (tiring). But – I liked it. I don’t know why …. Basta… I was entertained… and yun ang importante.

Watching Joey made me missed Friends… I used to love the scenes na basta na lang darating yung isang character sa Central Perk — and find everyone there. Yup… alam ko na medyo di ito makakatotohanan. A normal earning individual can’t afford to sit in a coffee shop the whole day while there are bills to pay, work to do and errands to complete. But still —- I do think that everyone has a “Central Perk” of his own. A place where you meet friends for multiple reasons – hang out, talk problems, unwind etc.

In high school — walang masyadong tambayan sa aming “poorbinsya” and wala ring budget to hang out. We normally go to a friend’s house — kwentuhan to the max habang naghihintay ng pagkain na ihahanda ni Tita. ☺ Maganda kung summer — kasi sagana sa fruits tulad ng mangga, santol, sampalok at kung ano-ano pa. Fresh from the tree! Summer time is fiesta time din. As in kina-career naming ang pagiikot sa mga bahay-bahay. Hay… those where the simple days…. Mangga… bagoong… at mga kaibigan…. Swak na swak na! It’s Central Perk at the comfort of my friends’ homes.

Nung nagkolehiyo – medyo may kaunting budget na. May pangbili na ng Kwek-kwek at sago! Di pa uso ang coffee shop nun. Kaya ang tambayan usually ay computer shops or carienderia. Pag nag-Pizza hut — feeling sosyalin na! Madalas din naming perwisyuhin yung bahay nina Marlene sa Laguna at Rachel sa Cavite! Minsan nga – hinihintay ko na lang na ipagtabuyan kami e.

After college — welcome to “work-life” na. Dito medyo may budget na rin. Starbucks was starting to become popular then. My first Starbucks experience was with my friends Glenn and Rose. Glenn ordered an espresso… Rose ordered Iced-coffee. Boring me ordered brewed coffee. Tawa nga kami ng tawa nung dumating yung espresso … ang litt nung baso (pasensiya na po… jologs pa kami that time!). Feeling namin it was so expensive. Di rin nagustuhan ni Rose yung iced-coffee. This is one of the rare times that being boring and unadventurous paid off. I was able to enjoy my first expensive coffee. It was the start of my lasting relationship with Starbucks. I love hanging out at Starbuck 6750 with a few friends. Marami magandang memories ang lugar na yun. If you know the place – then you might have seen us in the 2nd floor – monopolizing the long couch. We would stay there till around 2:00 a.m. doing nothing… kwentuhan to the max lang…

There was this coffee place in Glorietta — forgot the name – pero kung palabas ka ng Landmark going to Glorietta…. Nasa left side sya… beside Haagen Daz. I’ll try to remember the name…. pero anyway — madalas din ako tambay dito with a few friends. The coffee is okay… pero ang importante naman ay yung company. Gabbing till the wee hours of the morning din ang tripping naming dito. I may have forgotten the name of the place… but not the company and the tsismis.

Conways Bar in Makati Shangri-la is also a favorite hangout. O - di kami sosyalin…. We make it a point to eat dinner somewhere cheap… then tambay dito. I will usually have a beer… at most a couple… which would last me till the final set of the band. So.. mura pa rin sya. I love the coziness of the place. Di rin sya sobrang mausok…. And not too noisy as well. Tamang tama lang para mag-unwind after a tiring day from the office.

McDonalds Green belt is very dear to me. Dito kasi ang tambayan ng Finestra Photo Club… dito ang laitan, tawanan, tsisimisan, at meeting-meetingan…. Dapat nga gawin itong National Heritage site e. I formed true and lasting friendship on this place. I have nothing but good memories from this place.

Medyo lakwatsero ako… ok…. Fine… sobra akobng lakwatsero ako nung nasa Pinas pa ako… 4 years of working in Makati…A lot of places na napuntahan ko… pero for me … my “Central Perk” will always be the 4 places I mentioned above.

Dito sa Singapore… naku.. asa pa… tagtuyot. Kung ano ang pagiging lakwatsero ko sa Pinas… naging sobrang taong-bahay ako dito. Work is exhausting and any free time I have – I’d rather spend it in my room…. Resting.. or sleeping. I still love hanging out at coffee shops… Starbucks, Coffee Bean..etc…. but I can’t think of any place that I can call my “Central Perk” in Singapore. It would be good if I could find one…. Pero so far… wala e. I have a few prospects… pero only time can tell. Hayaan nyo… if I am able to find one… iimbitahin ko kayo… “Central Perk” won’t be “Central Perk” if you have no friends to share it with. Korek?


Bato

September 14, 2007

Batong-bato ( as in BORED) ako ngayong araw na ito… di ko tuloy maiwasang lumipad sa kawalan ang aking diwa at makapag-isip ng kung ano-ano……….

  • Paano kaya kung si Ruffa Gutierrez ang Presidente ng Pilipinas? My gosh. Papayag kayang maging First Gentleman si Ylmaz? First Gentleman pa rin kayo ang tawag sa kanya considering hobby nya ang mangbugbog ng asawa?

  • Paano kung “buhok” ang world currency? May magpapakalbo pa kaya?  Mauuso pa kaya ang Brazilian Wax? Sisikat pa kaya si Bembol Roco?

  •  Paano kung bawal ang umutot? Dadami ba ang tao na didighay?

  • Paano kung lagyan ng loop ang MRT/LRT? Mamamahal kaya ang pamasahe?

  • Paano kung nagkatuluyan sina Mahal at Mura? Ano pangalan ng anak nila? Ano ba tawag sa presyo kung hindi ito Mahal at hindi rin ito Mura?

  • Paano kung naging EB Babe si Madame Auring? Kukuhain kaya ng Wowowee si Zenaida Zeva?

  •  Kung maging Senador kaya si Cristy Fermin — matatalo nya kaya ang mga expose ni  Ping Lacson?

  • Kung lumiit kaya muscles ni Vina Morales…. Hmmm… di rin… asa pa…. next….

  • Bakit hindi gawing National Flower ng Pilipinas ang Chicharong Bulaklak? Its food and a flower at the same time. 

  • Paano kung makatalisod ako ng wishing lampara at bigyan ako ng 3 wishes — pero may catch…. Changes lang sa office ang pwede hilingin . Ano ang 3 wishes ko … hmm….

Una — Sana  maligo na si Chichay

Ikalawa – Sana – pagkapaligo ni Chichay – ay maligo pa sya ulit.

Iktalo — Sana — pagkapaligo ni Chichay twice — ay maligo pa sya ulit. Wala lang. Para sure na tanggal ang amoy!   

  • Paano kung gawing Office attire ang swimsuit at trunks? Pwede kayang maglodge ng complaint ang mga tabatsing na tulad ko? Hinaan kaya ang aircon sa office? Ano na ang suot kung may summer outing? Alangan namang naka-office attire pa rin di ba?

  • Pag sinabing “No Pets Allowed” — kasama kaya dito ang mga hayop na mga amo? Hmmm.. tingin ko hindi – sabi  naman NO PETS…. Hindi NO PESTS.

  • Paano kung walang letter “A”. He? Peeno? Meiintidihen  pe keye netin eng mge sinesebi neng ibe? He? Peeno? Sebihin mo! Peeno?

  • Paano kung naging pari si Boy Abunda. Anokaya ang mga  sasabihin nya pag nagmimisa…. “Nalalapit na ang offertory -  ABANGAN! SUSUNOD — na ang communion! EXKLUSIBO! Dito lang…sa THE MASS!

  • Paano kung mapangasawa ni Kuh Ledesma si Atoy Co?  Gagamitin kaya ni Kuh ang kanyang legal married na “Mrs. Kuh Co”?  Lalo kaya siyang mahihilig sa pagpapa-pedicure at manicure?

  • Bakit restroom ang tawag sa restroom? Dapat ba ay nagpapahinga dito? Kung pwedeng magpahinga dito – bakit walang kama?

  • Meron nang Kapamilya… Merong Kapuso…. Merong Kabarkada….  hmmm… paano pag nagtayo ako ng Network…. Ano ipapangalan ko…..Ka-yakap? Ka-dikit? Ka-kaladyaan? Ka-kilitian? Alam ko na… Ka-siping! Kaya lang baka Malaguardia ako.

  •  Paano kung maglaban sa karera si Speedy Gonzales, si Roadrunner at si Tazmanian Devil — sino ang mananalo? Take note – karera sa pag-cross stitch ha!

  • Kung singatangkad ka ni Yao Ming — masama ba kung ang favorite mong sport ay Gymnastics?

  • Paano kung di uso ang blogging – ano kaya ang pinaka mabisang pang-alis bagot — magbilot ng kulangot hanggang maging isang malaking kulangot ball ito? Hmmm… pwede

Teka…. Uwian nap ala! Yehey!!!!! Paano …. Kanya- kanya na tayo….. Sa MULI!!!!


Beyond Reasonable Doubt

September 13, 2007

Verdict is in. Guilty! Guilty beyond reasonable doubt si Erap — of bad acting…. este of  Plunder pala. Surprised? Not really. Elated? Hmmm OA naman pag elated. More of  relief siguro. A “not guilty” verdict will mean more trouble. Mas magkakagulo.  For sure kasi na gagamitin ito ng opposition para mapaalis si Ate Glo sa high-chair nya.  Syempre - di naman papayag si Ate Glo.  So ang resulta … EDSAx where “x” depends on the number of times someone is protesting on the street of EDA.       

I hear d about the news during lunch. Kaya ayun – pagkatapos na pagkatapos kumain — internet agad inatupag naming. Gusto naming makitsismis sa mga pangyayari e. I was actually expecting major kaguluhan. Isip ko – tiyak na magkakagulo sa Makati (where Binay distributes permit to rally sa mga opposition supporters na para bang flyer ng isang bagong bukas na resto) or sa Mendiola (near Malacanang – mas may impact… not to mention the historical events na sa Mendiola lagi nanggagaling) or sa EDSA ( para maincrement ang EDSAx… at matraffic ang ayaw sumali!). But to my surprise – relatively peaceful ang lahat. Good… it seems that the Filipinos are slowly maturing in relation to politics.  I also downloaded the full Sandigan Bayan decision and read it. Di ko man naintindihan ang lahat – I can say that my curiosity on how the Sandiganbayan come up with the decision has been quenched.

When I arrived home – nanood ako ng TV Patrol. As expected – its Erap everywhere.  They did a good  coverage – much of  the sectors are interviewed/featured. They even have a feature on the reporters/press people. Isa lang sa pintas ko — they should do away with the sensationalized reporting.  I agree na kailangan ipakita ang mga Erap fanatics na nagkakanda-himtay sa iyak… pero parang sobrang tagal naman ng exposure. Oo na… the message have been received…. di na kailangan pang-i-OA!

Habang pinapanood ko yung mga news features — I can’t help but feel sad.  Naawa ako dun sa mga kababayan nating mahihirap na nagpunta pa sa rally. Yung mga umiiyak na akala mo ay anak nila ang na-convict. Talagang iniisip nila na Erap is their savior who can do no wrong.  Pinipilit ko ngang intindihin how they were able to come up with that belief.  Pansin na pansin din ang divide ng social class ng mga Pinoy na Maka-erap at yung mga naniniwala na he committed a major crime. Halos Class C/D ang mga maka-Erap. Masa talaga.  Talagang blind followers sila — which is pretty obvious when they were asked kung alam nila ang ibig sabihin ng “Plunder”.  Halos walang makasagot. Ano yun? Where they misinformed? Kung ako kasi yun – I would need to know ano ba yung Plunder… bakit sya pinaparatangan ng Plunder etc. What is the difference between my way of  thinking and their way of thinking? Education? Probably….  Pero I doubt naman na lahat ng pro-Erap ay di nakapag-aral. Economic Status ?  Possibly - given that Erap is very much supported by the Masa and not by the upper class.  Anyway – each person has the right to choose who to support. I-respeto na lang natin ang choice nila. Sana lang ay irespeto din nila ang choice nating mga naniniwala that Erap is guilty – both of  plunder… and bad acting.         

Pahabol…

I often hear comments like “ Hindi lang naman si Era pang nagnanakaw. Bakit sya ikukulong”… or something to that effect. Isa lang masasabi ko dito – focus….. this is the Estrada plunder case. We should focus and decided if he committed plunder or not. Tapos. Of course may iba pang magnanakaw.  Pero hindi ito pwedeng gamitin dahila para hindi i-convict si Erap.  He did something wrong — and he has to pay for it. If in case napatunayan din a nangungurakot si Ate Glo – then she has  to be charged and convicted as well - seperately.  Ewan — minsan nakakaiinis ang ganitong pag-iisip nating mga Pinoy….  


Guilty or Not Guilty?

September 11, 2007

Isa akong taong walang kadala-dala. Kahit na tumataas ang blood pressure ko tuwing magbabasa ng diyaryo — basa pa rin ako ng basa. As most pinoys know – bukas (Wednesday) na ibaba ng Sandigang bayan ang verdict sa Joseph Estrada plunder case. Hot topic tuloy ito sa dyaryo ngayon. De-demahin ko na sana … kaso di ko lang talaga mapigilan mag-comment. Below are some excerpts from an article in the Philippine Star today.

“We are prepared for whatever verdict the Sandiganbayan will come out with. But we are expecting the worst, because according to some reliable sources we have talked to and who have given us vital information, there is no way that my father can get an acquittal even though there is no evidence against him,” – Jinggoy Estrada
— No evidence? Hmm…. As in no evidence? Sigurado ka? Hanga rin ako minsan sa kapal ng mukha ng mga pulitikonatin — kaya talaga nilang tumingin sa ating mga mata at magsinungaling without any effort at all! Tsk..tsk…sabagay… practice makes perfect!

“If people believe in one witness whose credibility is questionable, he should have won in the last elections. It came from a polluted source,” – Jinggoy Estrada
— A eh.. sir… hindi po porke’t di nanalo sa election ay di na kapani-paniwala. Tulad ni Cesar Montano. Naniniwala akong lab nya si Sunshine – pero hindi ako naniniwala na pwede syang Senador. Gets? Polluted source? Bakit? San ba galing yung source? Sa Pasig river? Ay… polluted nga! ☺

“So we have very clear paths, whether it will be conviction or acquittal. In both cases, there will be no destabilization attempts, no violence. If they go to the streets, then that is their constitutional right. But Erap said it should be peaceful,” – Rodriguez
– Asus…di ko alam kung sino sya… pero… constitutional rights ka dyan… minsan iniisip ko ano kaya akala ng mga ito sa ating mga Pilipino.. Eng-eng? Sabagay…in fairness… nanalo si Jinggoy-just-add-panget and Loi. Baka nga.

“Also, if the former president would not be found guilty, why is the government on red alert and so busy preparing for security for the promulgation?” - Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz
– Father… meron pong tinatawag na “preparation”. Paano kung hindi sila maghanda – tapos nagkagulo. Sasabihin nyo naman hindi sila prepared. Minsan… hirap nyo iplease. Ewan.

But Bacani, who served as spiritual adviser of Estrada during his three-year presidency, said he believes the former president is innocent.
– Hindi ito quote… pero minsan iniisip ko… maniniwala pa kaya ako kung ang magpayo sa akin ay si Bishop Bacani pagkatapos nyang sabihin ito? Sabagay….. innocent until proven guilty. Mahirap mag-judge. Hindi naman book si Erap e.

“We will comment accordingly,” declared Bayan Muna Rep. Satur Ocampo
– O… bakit ngayon mag accordingly-accordingly kayo nalalaman. Dati – walang hataw kayo kako-comment! Hmm… bakit kaya? Abangan!

“Let’s wait for the ruling,” said his colleague Rep. Teddy Casiño – Akbayan
– O.. bakit ngayon wait-wait for the ruling. Dati wala kayong sinigaw kung hindi “Resign! Resign! Impeach! Impeach!”…. asus….. nagagawa nga naman ng posisyon…..

“In the end, whatever the court decides, we believe that President Estrada must be accorded the respect and dignity of a former head of state, voted by our people to the highest seat of the land,” – Senator Francis Pangilinan
— Kay Kiko tayo! Hehehe… Alam nyo.. kahit na minsan gusto kong itali si Erap sa puno, paliguan ng honey at tambakan ng fire ants…. Iniisip ko pa rin na naging Presidente natin sya. Kailangan talaga bigyan pa rin sya ng respect as a former President. Hay…. it’s the right thing to do. Yun nga lang.. pag nakikita ko na sina Just-add-panget at kung ano-ano sinasabi – tumataas ang blood pressure ko. Hay.

Anyway – yan.. medyo kalmado na ako… nailabas ko na ang inis ko e. Hmp. Buti na lang may blog! Bilang pagtatapos – nangako ako na babatiin ko ang bago kong mga fans… sina Rhemand at Rose Carpio. Ayan… 3 na fans ko.

Sa mga interesado – Full article at http://www.philstar.com/index.php?Headlines&p=49&type=2&sec=24&aid=20070910127


It Comes in Threes

September 11, 2007

Strike
I woke up late this morning (again!!!!). Kaya ayun – di ko na naman naabutan yung bus na diretso dito sa office. Di lang yan — it was raining hard. So unless na naisin ko ang basang sisiw look – I have no choice but to take the cab. In “Flash Mode” — I prepared for office. In 30 minutes – ready na ako. Medyo mabait naman ang panahon at medyo humina anmg ulan – still kailangan ko na mag-taxi dahil late na. Luckily – I don’t need to waith that long. Feeling ko — the stars are aligned properly giving me one luck after another. Well – I spoke too soon. Things went downhill from there.

First — the massive traffic. E late na nga ako – tapos traffic pa. Hay. Pero sabi ko na lang sa sarili ko – tanggapin ko ang situation. It’s my fault anyway – late ako gumising. Kung maaga ako gumising e di sana di ako inabutan ng traffice. Hay. Fine. Kasalanan ko na. Hmp. Strike one!

Second — As always, I sat infront sa cab – para malapit sa aircon. Lam nyo naman — polar bear ako nung past life ko kaya dapat laging malamig. So ayun… traffic.. so I was trying to catch some sleep. Nung medyo naiidilip na ako…. Bigla akong may narinig na tunog …. “tsomp…tsap…tsomp…”. Hmm… ano ba yung nakakairitang tunog na yun. Ayun… ang source ng tunog … si mamang drayber. Ngumunguya ng Nicotine Gum! Okay lang naman sana — ang problema… ngumunguya sya ng sobrang lakas! As in! Talo ang kambing. E di ba yung pag-nguya ng malakas ay kasama sa mga annoying na tunog. Kairita talaga. Gusto ko sana siyang i-citizen arrest dahil bawal ang bubble gum dito — pero he’s annoyingly chewing a nicotine gum… so di pwede…. exempted ang Nicotine gum sa ban e. Hay naku… kung di lang kasalanan pumatay… biro nyo… aantok antok ako.. tapos biglang may kambing na ngumunguya sa tabi ko. Naku talaga…. Strike two!

Third – I always alight at the building infront of my workplace building. Swak na swak kasi yun sa aking paglalakad. Akyat lang ako escalator to the “bridge” para bumili ng coffee at food… then baba papunta na dun sa building where I sleep este.. work… Pero dahil ang kamalasan comes in threes…. Bawal na bumaba dun sa harap ng building na yun. Ginawa nang bus lane yung side na yun.. and the non-bus drivers have to pay a fine kung magbababa sila dun. Napilitan tuloy akong bumaba sa harap ng building naming. E since late na ako para maglakad pa papunta sa bridge to buy food… napilitan tuloy ako sa canteen bumili. Hay… di pa naman masarap ang food sa canteen. How can I start my workday right with lousy food? How? Tell me …. Tell me! Aiyah.. Strike three!

Naisip ko tuloy — things would have been different if I woke up early! I would not have ridden the cab kung maaga ako nagising. Hindi sana ako natraffic kung maaga ako nagising. Hindi sana ako nainis ni nicotine-gum-chomping-mamang-tsuper kung maaga ako nagising. Dun sana ako nababa sa usual place kung maaga akong nagising at nag-bus ako. Hindi sana ako napilitan bumili ng deadly canteen foo kung maaga akong nagising.

Hay…. isang malaking aral ang natutunan ko dito. Anong aral? E di ……. An apple a day is cheaper than two apples a day. ☺


To the Left… To the Left… Hello? Garci?

September 10, 2007

Minsan… naisip ko… namimiss ko na yung dating tunog ng telepono. Yung simpleng “Ring! Ring”. Wala lang. Mas simple kasi ang buhay. Unlike today — na pwede mo nang i-customize ang ringtone ng iyong cellphone. Dapat mo kasing pagisipang mabuti kung anong ringtone ang nababagay sa iyong personality. O….. malamang mayroon na namang umaapela dyan sa tabi-tabi… sasabihin na naman na masyado kong pinag-iisipan ang mga bagay-bagay. Pabayaan nyo na ako.. wala ako magawa e… kaya marami akong oras para pag-isipan ang mga bagay-bagay sa pali-paligid. Back to ringtones – hindi na lang ito tagapagsabi na may tumatawag sa iyo. Maari din itong gamitin ng mga tao para i-judge kung anong klaseng tao ka. Yup – tell me what your ringtone is and I will tell you who you are! Yan ang bagong kasabihan.

Ayaw nyo maniwala? Ok… sabihin nating mayroong nilalang na ang ring tone nya ay ang Irreplaceable ni Beyonce? Ano maiisip nyo? Ako – naisip ko na ang taong ito ay masayahin… mahilig sa groove…at bootylicious! Tama? Ngayon – paano kung sinabi ko sa inyo na ang naringgan ko ng ring tone na ito ay isang lalaking intsik. Ano? May iba ba kayong naiisip? Wag na magsinungaling. Ako nga ay nagtanong bakit yun ang napili nyang ringtone. Don’t get me wrong — it’s a nice song.. nakakagroove pag pinapakinggan… yun nga lang – bilang ringtone… ng isang lalaki… medyo di po yata magandang idea. Tama po ba ako. (On a different note – medyo nakakairita itong ringtone na ito… walang sinabi kung hindi “to tke left.. to the left”…. Ano ba? Wala bang “to the right”?). Pero alam nyo – di dyan nagtatapos ang “to the left”. The other day – bigla na namang tumunog si “to the left”. We are expecting that it’s from the same guy…but lo and behold…. Its from another person! And… this person is a guy as well….yup.. another Chinese guy with the
‘to the left… to the left” ringtone. Ano ba? Are we missing out on something? Ito na ba ang bagong craze? ☺

Yan… isang example pa lang yan – and it already proves what I was saying. The cellphone have evolved… and so has its use. With the advent of this personalize functions — nagiging extension na tuloy ito ng personality ng owner.

Syempre – magtatanong kayo kung ano ang ringtone ko….syempre I Will Survive… bwahahaha… joke lang po… Currently – it’s the Papaya Song… yung sinsasayaw ni Edu Manzano sa Game Ka Na Ba! Bakit? Wala lang — the song never fails to bring a smile to my face. Kaya naisip ko – if I am in a bad mood – and tumunog ang phone ko with this song – mapapangiti ako… and hindi ko masisinghalan yung tumatawag. ☺


Ang Sitcom ng Tutuong Buhay

September 10, 2007

(Medyo late na ang posting… pasensya na po…..)

The more I read the Philippine local papers or watch the local news — the more na naniniwala ako that Philippine politics is one big sitcom. Patawa naman kasi lahat ng mga politicians natin. Pag nga sineryoso mo silang lahat – naku… Mental ang bagsak mo. Today’s news is no exception. I have listed below some excerpts na nabasa ko sa newspaper today na talaga namang daig pa ang mga linya ni Dolphy!

Philippine Daily Inquirer – Sept 6, 2007

“ We are only out to clear our father’s name, we have no other agend.” – Jinggoy Estrada
— Talaga lang ha. Sure? Walang magrarally pag guilty ang tatay mo? Promise? Cross your heart and hope you die? E ikaw – kailan mo naman lilinisin ang pangalan mo?

“It’s really difficult for me to say yes or no. It’s difficult to prove either way.” - Former Socioeconomic Planning Secretary Romulo Neri
— Ano naman ang hirap sa pagsabi ng NO… lalo na kung wala kang kasalanan. Hmm…not yes… not no… so maybe. Maybe? Maybe may kasalanan nga… di masabi ang no e!

“Sobra nang umaalingasaw ang baho ng transaksyong ito at kailangan nang linisin at ibaon sa lupa para hindi na kumalat pa ang mikrobyong dala nito.” – Senator Francis Escudero
— Hmm… galing… parang linya sa pelikula. Lito Lapid is that you? Question lang – bakit kailangan pang linisin bago ibaon sa lupa? Ibaon na lang sa lupa diretso. Mabubulok din naman yun e.

“We all have the right to timely information. Any projects undertaken with development money should be entrenched with transparency by public accountability for the allocations and expenditures of development funds,” – Senator Francis Escudero
— Tama sya… kung ano may ibig sabihin nung sinabi nya… ano kaya masasabi ni Miriam dito? Big words from the small neophyte. I am hoping na hindi lang sya puro words… sana may action din.

The Philippine Star - – Sept 6, 2007

““I don’t want to pre-empt the Sandiganbayan, but I am among the many who hope that President Estrada would be acquitted.” - Senate President Manuel Villar Jr.
— Ang aga naman ng 2010. Mukhang pumoposisyon na si Sen. Manny ah… Malamang kasi talo sya pag “independent kunwari” sya tumakbo.

“The interesting question is, how much would go to whom? Inside information has it that $55 million would go to a Commission on Elections official, $68 million was supposed to bankroll the May 14 mid-term elections, $75 million to the ‘Big One and the Little One’ and the balance to some corrupt Department of Transportation and Communication officials and the rest of the usual boys,” - Sen. Panfilo Lacson
— Hanga rin ako sa dami ng sources nitong si Sen. Lacson. Lahat ng issue – may source sya. If in case matalo ulit sya sa Presidential election sa 2010 — bakit di na lang sya kuhain ng ABS-CBN – at isama sa The Buzz! Naku…. Daming tsismis na mabubunyag. Wag kayo magugulat — pag bigla na lang sabihin ni Sen. Lacson na “EKLUSIBO!!!!”… ABANGAN!!!!

“I don’t understand why a document so important can be lost in this day and age. That, for me, is already a hallmark of suspicion,” – Senator Miriam Santiago
— Baka naman po ipinadala via PhilPost…. Tapos hindi pa registered mail… hintayin nyo lang… darating din yang dokumento na yan. For the meantime — I would suggest that the Senate conduct an investigation on the current process in the Philippin Post Office which contributes to the delivery delay of such important documents. Ayan ha … another investigation job for the SBI – Senate Bereau of Investigation!

O….wag seryosohin… katuwaan lang naman…. Bato bato sa langit.. ang tamaan…. Hindi umiwas…. ☺