Si Chichay at si Sassy Neighbor
A surprisingly busy day for me. I arrived in the office very early – 8:30 a.m. Dahil sa phenomenon na ito – naniwala na ang mga tao dito sa office that miracles do happen! We have a 9:00 meeting and I don’t want to be late. Napa-aga naman ako sobra. But its a good thing – nagkaroon pa rin ako ng time to eat a heavy breakfast. For sure kasi na matagalan ang meeting dahil kasama sina Chichay at My Sassy Neighbor sa pulong. Hmm.. di ko pa pala naiintroduce si Chichay – well…. Epitome sya ng pinaghalong Anaps ( sa di nakakaalam – ito ang tawag sa mga Pana… di pa rin gets…. Kantahin nyo… I*** Pana… kakana-kana….. Gets na?) at Tsekwa. So – masama ang ugali, tamda, mahilig magpasa ng trabaho, mahilig kumuha ng credit, mahilig magmarunong at mabaho. Pag tumingin kayo sa dictionary sa word na “pest” – picture nya ang makikita nyo. Si My Sassy Neighbor naman – sya ang aking immediate supervisor. Bakit My Sassy Neighbor? Kasi kamukha nya yung local artist dito sa Land of “Lah” — na currently bida sa local tv sitcom na My Sassy Neighbor. Basta – mukha pa lang — sitcom na! Tuwing may pulong – si Chichay – mahilig bumangka. Pabida ba. Kung ano-ano ang sinasabi at itinatanong — na mga wala namang sense. Yung pulong na 30 mins – nagiging 3 hours pag kasama sya. Aksaya panahon. Si My Sassy Neighbor naman – pag nagexplain ay parang may mga nursery students sa meeting. Parang nag-eexplain sa mga tanga ba. Haba tuloy ng pulong. Naku – for sure masasabihan na naman kami ng “Use your common sense… for this task – you must use your intelligence”. Pramis – the first time na sinabihan nya ako — muntik nang macancel ang kanyang show due to death of the lead actress. Buti na lang – nakapagpigil ako!
The dreaded meeting —- as expected – singhaba ito ng Lord of the rings — 3 movies combined! As expected — starring role si Chichay as “Precious”. Akala nga naming sya ang chair nung meeting eh. As expected — feeling nursery teacher si My Sassy Neighbor. As expected – praning mode sila while talking about the current bank project. Masyado nga na-exercise ang mata ko e — karo-roll … expert na nga ako sa rolling of the eyeball! Wala lang – nung napansin ko nga na roll ako ng roll ng aking eyeball — naisip ko na ang sama kong tao. Am I always looking down on my teammates? Feeling superior ba ako sa kanila? Hmm.. malamang… maybe because I have experienced worse — and feeling ko kapraningan lang talaga… or mafeeling lang sila na what we are doing is really hard and complicated. Minsan nga tawanan ang lahat – pero di ko magets kung ano nakakatawa. Am I really a square peg trying to fit in a round hole? Hmm… pwede…. Pero sa ngayon – tiis na lang muna. Sayang din ang sweldo no. Pahinga muna sa kumpanya na ito – until something better comes along. As expected – meeting ended way past lunch time. Salita pa rin ng salita si Chichay! Nagbubulungan na nga kami na malapit nang maging crime scene yung meeting room. Finally — natapos din… 1:00! Good thing that I had a heavy breakfast!
Af ter lunch – tuloy tuloy na sa programming tasks. Naninibago ako – it’s been 3 or so years nung huli ako nag-code. Tingin tuloy ako ng tingin sa mga existing programs. Sa sobrang serious ko sa work – muntik na akong maiyak.. este malimutana ang doctor’s appointment ko. Tumigil muna ako —and went to the doctor . Nasa 21st floor lang naman e. The doctor gave me medication for my blood pressure. Unusually high kasi — sabi ko kasi galing ako sa meeting. He gave the usual sermon – loose weight, less carbo, less salt, less oil, exercise…. Sabi ko – less Chichay? Hehehehe… will definitely follow doctor’s advice.
After the doctor’s appointment – work ulit. It’s a nice feeling actually — doing something. Finally – bumilis na ang oras. Unlike the past few months na talaga naman bored ako. Close to 6:00… I decided that I need a break – I did more thant what I should do. Kailangan magtira naman ako … baka maubos… so I decided to write this blog…. Which I am glad I did…. … so paano … sa muli….. PAALAM!

September 4, 2007 at 12:32 pm
I’m a 1st time reader and likewise based here in SG. aliw lang ako sa mga character sa ofc. mo…
Keep it cool!