Sick Week
August 20, 2007
1. I again went to the doctor last Friday. Naubos na kasi yung medicine na binigay nung doctor last Monday — pero di pa rin ako gumagaling. This new doctor said I caught the flu. He gave me a new batch of medications – and sternly advise me to rest. Hay – another weekend of seeing nothing but the four corners of my room. I went home immediately after office. While on the MRT – I have this sudden craving for pritong talong, danggit at Argentina Meatloaf! Ganun talaga ako pag may-sakit – maraming cravings. Buti na lang at nasa bahay na rin yung isa kong housemate – tinulungan nya ako magluto! Otherwise – baka maawa ako sobra sa aking sarili – sick and cooking! L I had a very fulfilling dinner – then went to bed very early. Need to follow the doctor’s orders — at least for that day. J
2. I had a very uneventful weekend. Ayaw ko na kasing maging sick – kaya I followed the doctor’s order. Rest… rest…rest… and more rest. Napagod na nga ako kare-rest e! But it was a nice break. Masarap din paminsan-minsan na nasa bahay lang the entire day. Just me — my laptop — the tube and my laundry. Yup – laundry. Somehow — therapeutic sa akin ang paglalaba ng damit (washing machine ha… hindi manual hehehe). Not really sure why — pero maybe it has something to do with the clean and fresh scent of the clothes afterwards. Wala lang … mainam din… at least di ko na kailangan magpunta pa sa Spa para magrelax. Tipid na — tapos pa ang labada!
3. Mukhang medyo nasobrahan yata ako ng TFC last weekend —- habang nag-iisip kasi ako ng isusulat dito sa aking blog — puro showbiz ang naiisip ko. Hmmm….. deal na nga… wala naman akong ibang maisip e……
a. Vina Morales — saw her on ASAP. She won an international contest or something — habang sumasayaw at kumakanta sya — isa lang ang naisip kong sabihin sa kanya — “Ate … tigilan mo na ang pagpapalaki ng katawan. Sige ka.. baka tawagin ka nilang Kuya.”
b. Sharon Cuneta and Charlene Gonzales — hmmm… wala lang…. pansin ko lang… sobra silang sweet sa mga show nila …. As in nauuta na ako sa sweetness… suggestion – wag sila masyado tatabi sa tinidor or kutsarita… baka mapagkamalan silang desserts! ( Tingin ko – ako may issue dito — grumpy talaga kasi ako by nature J )
c. Ruffa and Ylmaz — please lang. Bumalik na kayo sa Turkey. Mas masaya ang buhay naming lahat nung di naming kayo nakikita. Pagkatapos nyong maglaba ng very dirty laundry in public – magkakabalikan din naman pala. Aiyah.
d. Angel Locsin – saw the ASAP grand welcome. Am now wondering if she is really that “sikat”? I personally don’t see anything extraordinary about her — pero benefit of the doubt — tingnan na lang natin in the future if she’ll deliver. Isa pa – why the Piolo Pascual angle? Hmmm… tiyak matsismis itong dalawang ito na may relasyon or something.
e. Roxanne Guinoo – kumanta sya sa ASAP… bakit parang wala pa rin sya sa sarili nya? Hehehe… akala ko sa Wowowee lang sya ganun.
f. Gee-anne and Mickey – may chemistry nga sila no? Pwede ba wag na lang si Bodie?
g. Wendy Valdez – promise…. May maganda ang sasabihin ko this time…… okay naman pala sya umarte. Kailangan lang nya praktis magsayaw. Natatawa ako nung sumasayaw sya e.
h. Edu Manzano – nakakatawa talaga sya pag sumasayaw ng Papaya dance. Hehehe…. Sana maganda yung 1 vs 100.
i. Kokey – di naman pala sya nakakainis. Nakakatuwa rin yung mga bata na bida. Para talaga silang bata – nakakainis kasi yung bata na matanda na kung umarte.
j. Anne Curtis – she can do no wrong — bias ba sobra? J Tagal naman ng Maging Sino Ka Man Book 2!
k. Bea Alonzo – bakit parang ang delicious naman nya nung Sunday sa ASAP? Nagpaganda para hindi matabunan ni Angel?
l. Mariel Rodriguez – saw her in Your Song. Hmm… Mariel… labs kita… pero mukhang hosting ka talaga dapat.
m. XXX – hmmm… marami na namang mga kalalakihan ang magwawala dahil sa pinasara nyo ang kanilang hangout! Pero galing nung babae ha. Kalevel na nya yung mga nagso-show sa Bangkok at Amsterdam.
Hay….. titigilan ko na… wala nang kwenta e…. baka makatulog pa ang nagbabasa nito… basta… bottom line – pag may sakit — may dadamay sa inyo …. TFC….
4. I’m having a terrible day here in the office for the following reasons :
a. si Ate Vi
b. si Ate Vi
c. si Ate Vi
d. si Ate Vi
Hmp! Hindi si Vilma Santos the actress ha…. Yung isa ditong lead na itinatago naming sa pangalang Ate Vi. Wala lang — bakit ba hindi kasi maniwala na may error… sinabi ko nang may error … pinakitaan ko pa ng documents as proof …. hindi pa rin maniwala… do I look dumb? O.. walang sasagot ng mali… baka madamay kayo sa inis ko kay Ate Vi. Naku … pag ako di nakapagpigil — dudumihan ko ang damit nya! Hmp… Di pa dyan natapos — pagkatapos nyang ipagpilitan na gawin ko yung ”standard” nya na walang kwenta — lumalabas pa na ako ang nag-isip nung katangahan na yun. Naku. Pasensya na po — slightly inis lang ako… pero pleasing talaga ang personality ko… pag tulog! J
Posted by rollypollypanini