Linggo ko to…..

August 6, 2007

1.        I watched The Simpsons last Sunday.  The reviews are good so medyo mataas ang expectation ko. And fortunately – maganda naman ang movie. Laugh trip sa buong movie. I find it odd na hindi ako naiinis kay Homer. Kahit na wala syang kwenta… he still is funny… Kahit nga si Bart na pasaway – lovable pa rin e. But my most favorite Simpson is Maggie. Wala lang … she steals the scene even without talking! Isipin nyo na lang kung magsasalita pa sya. Bart’s nude skateboarding  scene is hilarious. Galing. Natawa talaga ako. Sa mga manonood — stay until the end of the credits — you might miss Maggie’s first word!     

2.        After the movie – I went to Paragon with a couple of friends. Ikot lang.. nakakabato sa bahay e.  We had a late lunch/early dinner at Thai Express. Afterwards – nag-aya ako mag dessert sa Project Shop café. Para kasing may craving ako sa Banana Caramel Cream Pie. If you are a dessert lover…. Project Shop Café’s Bananana Caramel Cream Pie is a must have! It will surely satisfy the sweet tooth in you. Hay… heaven in a plate…. pero di yan ang paguusapan natin — I initially wanted to order the Banana Caramel Cream Pie but the waiter suggested the Banana Mango Crumble.  He said that they are also famous for this dessert. Anyway – dahil kailangan ko ng spontaneous moment – I decided to try the Banana Mango Crumble. Hmm… Banana- Check! Mango - Check! Crumble -love a little crumble in my cookies… so.. Check. Dessert – Check! Nothing can go wrong .. right? Well…. My spontaneity paid off – it was GOOD! The top is – for the lack of a better word – crumbly….. but when you dig deep — the combination of mango and banana is heavenly. It’s a hot dessert – kaya kailangan ng kaunting ingat… but it was really good. For those that are not into “too sweet” dessert – this one is definitel for your. Hay….  Their cakes are good as well.  My friends ordered a Chocolate Marble Fudge something… di ko na matandaan actual name – and it is good as well. Fudgy-cakey feel – Check! Chocolate syrup – Check! Marshmallows – check! Nuts – check! Ice- cream – check! My friend described it as — better than sex! Either she has a crappy partner …or the cake is really delicious. I tasted the cake — and it was delicious… so.. the guy’s reputation is safe – for now…..  By the way — both dessert is great with brewed coffee!  

3.        Still in Paragon — nung nasa escalator kami – may tinuro sa akin yung isa kong kaibigan… tingnan ko daw yung isang nilalang na pabababa sa kabilang escalator. Dahil likas akong tsismoso – tiningnan ko naman… at ako’y nagulat. What I have been predicting came true. Nandito nga sya. Yup. Sya nga. Si Sylar! Isa lang ang naisip ko na makita ko sya – si Madame Auntie. Nasan na kaya sya ngayon? Babalik kaya sya pagtapos ng renovation ng tindahan nila? Nakatakas kaya sya kay Sylar? O napahamak na sya? Worried tuloy ako… buti na lang masarap ang dessert.  

4.        While eating -  nabanggit nung isa kong kaibigan ( a newbie – a month or so pa lang sya dito) na napapansin daw nya na madami daw maganda ang katawan dito sa Singapore. With this opening – sinabi ko sa kanya ang running joke tungkol sa mga tagarito.  Hipon ang tawag ng ilang pinoy sa mga tagarito — bakit hipon? Yan din ang tanong ko dati…. Kasi daw … tulad ng hipon … katawan lang daw ang mapapakinabangan mo… yung ulo.. itatapon.  Nice way of saying  magaganda nga ang katawan.. pero medyo unfortunate looking naman.   Okay fine… pwede ring dikdikin ang hipon para ihalo sa pansit ang juice… pero just the same – kailangan pa ring  dikdikin… saka face value ang pinag-uusapan dito hindi yung juice ng ulo nila pag dinikdik…. Anyway — parang may realization itong kaibigan ko… oo nga daw… so another patotoo yan .  My  other friend then said – kaya daw pala nandito si Sylar…. Sabi ko naman bakit? Kasi di ba si Sylar – utak ang kinakain…. E dito patapon lahat ng ulo di ba? Gets? Ako gets ko kaagad… natawa nga ako… Ang galing talaga ng Pinoy magdugtong-dugtong ng kagaguhan.     

5.        Off-topic – pero di ko lang makayanang di mag-comment —- I read in the Inquirer  that Sen. Dick Gordon is thinking of running for President on 2010. Not really surprising. A few names were also mentioned — Sen. Manny Villar, Sen Mar Roxas,  Sen. Panfilo Lacson,  Sen Loren Legarda and Sen Jamby Madrigal. Vilar/Lacson/Legarda – expected… Dati pa naman itong mga to “halata” na gustong maging presidente. Roxas – not surprised really… He topped the Senate election couple of elections back…  masa as Mr. Palengke… and Korina Sanchez in tow… presidentiable na presidentiable ang dating. Sen. Jamby Mardigal – a.. eh.. ano daw? Tama ba basa ko? Baka typo. Sigurado ba sya? Sure? Seriously? Deal talaga? Bakit parang ang daming sumisigaw ng “NO DEAL! NO DEAL!!” – kasama na ako dun.


Kasagutan sa mga Katanungan

August 6, 2007

Sa tingin ko ay ito na ang tamang panahon para sagutin ang mga katanungan na aali-aligid at lilipad-lipad sa paligid. Below are my answers sa top 5 questions na madalas tanungin sa akin. Kung wala sa listahan ang inyong katanungan – just leave a comment… at pag tingin ko ay karapat-dapat itong sagutin… sasagutin ko… kung mga isang taon na at wala pa akong sagot…. Malamang hindi ko na ito sasagutin. 

 1.        Bakit Rollypollypanini ang title ng blog-site mo? 

Actually — 3 words po ito na pinagkabit-kabit.  Isa-isahin natin….. Rolly — obvious naman bakit isinama ko ito. Sa mga di pa nakagets – take a hike! Wala akong panahon sa katangahan. Hmp…  Polly —  Sa mga may isip na nung 80’s… gets na gets nyo ito. Sa mga medyo  “blur-blur” — there was a candy called “Rolly Polly  Magic Candy” …. Di ko na matandaan bakit sya Magic candy… or bakit pinangalanan syang Rolly Polly… Ang alam ko lang – simula nang pangiinis sa akin magmula na ipinakilala sa market ang candy na ito. Hanggang ngayon —basta sinabi ang pangalan ko… may magdudugtong at magdudugtong ng  “Polly Magic Candy” na para bang kasama ito sa full name ko.  Panini — this originated during my Solidbank days. Di ko na rin matandaan ang pinagsimulan — basta may ilang kaibigan na tinatawag akong Panini. Nope.. di ako masyadong mahilig sa Panini — siguro pareho lang kaming “Yummy” hehehehehe…..  kung meron man nakaka-alala…. Sabihin nyo sa akin.. .. lam nyo naman ako.. malilimutin pa kay Dory!  

2.        Gaano kalawak ang reach ng iyong blog site? 

Napakalawak. As in buong cyberspace. Yung multiply site ko ay open lang for my networks. Ang wordpress blog-site ko naman ay open for all. Kaya malawak talaga. Pero kung ang tatanungin nyo ay ang actual number of readers. Well… ah.. eh…. More than 2!  My  multiply site is being read by 3 or  so friends. My wordpress site — a couple of friends confirmed that they read my entries….  Ayan… ganyan kalawak ang aking avid readers. Ang dami no? O.. wala nang kokontra… pag more than 2 … marami na yun.   

3.        Bakit ka nagsusulat sa iyong  blog? 

Nung simula — dahil wala ako magawa dito sa aking new job. Kaya sa sobrang bato — pinatulan ko na ang blogging. Pangpalipas oras ba.  Pero ngayon — kahit medyo bisi-bisihan ako dito sa office – isinisingit ko pa rin ang pag-sulat. Wala lang… naisip ko kasi na kawawa naman ang aking avid fans (5 and counting!!!!) Alam kong itong blog site ko ang source of information nila. Paano na lang sila kung titigil ak sa pagsusulat? What if masyado silang madepress at magsuicide sila… kunsensiya ko pa yun.      

4.        Bakit kadalasan ay walang sense ang entries mo? 

Kung gusto nyo ng may sense —- National Geographic ang basahin nyo. Pero kung gusto nyo ng mga walang kwenta… marami ako nyan. Lam nyo naman ako… slightly deranged. .. off my rocker…. Ano naman ang iniexpect nyo. Kung hinihintay nyo na magsulat ako ng mga makabuluhang bagay… naku… mabibigo lang kayo.  Tanggapin nyo na lang ang katotohanan na mas mauuna pang maghirap si Kris Aquino bago ako gumawa ng makabuluhang blog entry. 

5.        What are your strengths and weaknesses? 

My strengths : I am a positive person. I see to it that even in the low moments of my life – I try to look at the positive things. I  also love dealing with people.

My weakness : Lying about my strengths. J