12:30 a.m. na! Wowowee na!

August 3, 2007

 

Kanina sa opisina – antok to the max.  Dahil sa antok na antok na nga ako — di na muna ako gumimik. Diretso bahay. Big plan…. SLEEP! Pero syempre pa… pagdating sa bahay.. alive and kicking! Parang tumungga ng isang timbang kape na hinaluan ng red bull! Hay.

12:30 na ng madaling araw… gising na gising pa rin ako. Ang dami ko nang nalabhan. Dami nang nabasang blog ng kung sino-sino. Pero wala pa rin. Kaya eto… magpapaantok ako sa pamamagitan ng paggawa ng blog entry habang nanonood ng Wowowee.

 

 

Top 10 thoughts ko ngayon……

  1. Di pala magandang manood ng Wowowee ng madaling araw. Paano ka makakatulog kung napapakanata ka ng A-do-do-do. Ada-da-da. Ahahay!
  2. OA si Valerie Concepcion. Kung sino man sya. Namimiss ko si nawawala sa sariling Roxanne Guinoo..
  3. Si Mahal nanonood ng Wowowee. Wala lang. Bakit kaya Mahal ang ipinangalan sa kanya? Dahil Mahal sya ng magulang nya? O mahal ginastos nung pinanganak sya? O naisip ng mga magulang nya na Mahal ang magagastos nila para sa growth balls?
  4. Cutie talaga si Mariel. Love ko na yata siya.  Sexy nung tattoo nya sa likod! Ahahay.
  5. Pag kaya nasa States ang mga Pinoy… okay lang na magkalat sa Wowowee? Pansin ko kasi yung mga galing sa US or Europe ang laging bigay na bigay e. Wala pa akong nakita na galing Singapore na napiling Biga10.
  6. Hirap siguro maging host ng Wowowee. Kasi kailangan lagi masaya. And para sa akin effort yun. Lam nyo naman ako – pinanganak na nakasimangot. Kaya di siguro ako naging artista.
  7. Yung kayang mga gusting mapili na Biga10 — nangangailangan lang sobra o gusto makita sa TV?
  8. Luningning at Milagring. Sino kaya nakaisip ng mga pangalan na to? Para kasing pangalan ng mga mabibining Pilipina… pero hindi…. Hataw pala sa paggiling.  The irony.. the irony…  kaya effective?
  9. Mas masaya pa rin yung Boom-tarat-tarat. Wala lang… tararat…tararat… boom.. boom…boom….
  10. Batong-bato na talaga ako. Pati Wowowee pinatulan ko. Tsk…Tsk… Tsk… Dapat ko nang itlulog ito…… Ahahay.

Huling hirit…. Tanong : Kung ang whistle ay pito…. ano naman ang whisper? Contestant 1 : Modess? Contestant 2 : Napkin? Bwahahaha….. pramis… tutuo ito…..