Sari-sari ngayong Martes

1.        Naiwan ko kahapon dito sa office yung “Pinas line” na cellphone ko. Nasa bahay na ako nung naalala ko. Okay lang naman. Kung may emergency naman kasi — itatawag yun at hindi ite-text. Ngunit paggising ko kaninang umaga — medyo nagising ako sa katotohanan. Naka-set nga pala ang alarm nung phone ko na yun. Since old model na sya — di ko alam kung titigil ba sya or mag-snooze lang and after a few minutes mag-alarm ulit. If it’s the second scenario — naku… patay… ang ingay nung phone ko! Di ko pa naman matandaan kung sa drawer ko naiwan or sa ibabaw ng lamesa.  Kaya ayun — napapasok tuloy ako ng maaga. Di lang yun — nagtaxi pa ako!  8:20 pa lang  nasa office na ako. Nagulat nga yung isang amo… as in napatingin sya talaga ha.  Di sya makapaniwala na maaga ako! Hmp. Yung cellphone? Ayun…. sa loob pala sya ng drawer naiwan… at di naman sya maingay. Siguro after few times na di napatay ang alarm… kusa na lang sya tumitigil. Give up na baga! Hay…  gumastos pa ako ng taxi…..nagtitipid pa naman sana ako. Sayang ang SGD$22 ha! Ilang MRT ride din yun. Moral lesson? Alamin ang features ng phone – kahit na pang-smithsonian pa na phone yan.  Kung hindi – mapapagastos kayo sa taxi!     

2.        May despedida lunch kami dito sa office – Nope— hindi ko po despedida… How I wish! I hate office despedidas – pag kasama ang sangka-amuhan. Dami kasing dapat isipin :  

a.        Sinong taya – yup… ang kabayaran. Sino ang sasagot. Paano kung ang sangka-amuhan nyo ay mas makunat pa sa 10 years old na belekoy? For sure damay ang mga staff sa gastos. Paano kung on a budget ka tapos sa mamahalin silang lugar kakain. Naku – sira ang budget.

b.        Saan tsitsibog – ito ang close second concern ko. Paano kung ang piliin nilang lugar ay yung hindi ko trip. Tulad ng restaurant na ang tinda lang ay okra! O  yung place na akala mo hinaluan ng kalahating sakong curry ang mga ulam! Another concern ay yung  amoy nung lugar. Baka kasi pagtapos nyong kumain – ay amoy claypot na kayo. Paano kung mga gimik pa after. Mahirap humataw sa dance floor kung amoy curry  di ba?

c.        Sitting arrangement – definitely wag kang tatabi sa idedespedida. For sure kasi na tatabihan yan ng mga amo. Sa mga ganitong event – you should sit as far as you can sa mga amo. Para hindi ka mapilitang kausapin sila at bolahin. Saka para makakain ka nga husto – lalo na kung buffet. Sayang naman. Pero kung ikaw ang idedespedida — e… wala kang kawala. Kailangan tiisin mo na katabi ang sangka-amuhan. Pabayaan mo na… lalayasan mo na naman sila e.

d.        Common topic – dahil kasama ang sangka-amuhan… di sila pwede pagusapan. E kadalasan naman – yun lang ang commonality nyong magkakaopisina. Hmm… dyan na papasok ang usapang weather, ruffa-ylmaz (kung puro kayo pinoy) o unmentionable ni Britney Spears na medyo sumungaw (pag may ibang lahi kayong kasama), new places to eat at movies to watch out for. Kung medyo mamalasin – pwede na ring itake ito as an opportunity para mga team meeting!e.        To smile or not to smile – Yup… syempre sa dulo mag-group picture kayo. To remember this moment by. Ngayon – ang tanong… ngingiti ka ba o hindi sa picture? Pag kasi ngumiti ka… baka sabihin nung aalis na ang saya mo na aalis na sya. Pag di ka ngumiti – baka sabihin naman nila na masyado kang affected sa pag-alis nung tao. So either way – talo. Kaya dapat pag-isipan mabuti. Ako – half smile lang… para medyo masaya na malungkot…

3.        Sa wakas — nakaboto na rin ako. San? Sa Internet Test voting. Namention ko na ito sa previous blog ko. Di na sana ako boboto — kaso feeling ko talaga mananalo ako ng Laptop or Iphone! Pero kahit na test voting lang ito – sineryoso ko ito. Para sa mga senador — mga bayani ang pagpipilian. Hmm… inisip ko talaga kung iboboto ko si Emilio Aguinaldo. Kasi  bad sya kay Andres Bonifacio e. Saka kung iboboto ko si Andres Bonifacio – wala kasi syang background sa pagbalangkas ng batas. E outdated na yung KKK no. Si Ninoy binoto ko! Okay kasi yung pag-kalumbaba nya sa P500 e. Binoto ko rin si Juan Luna… gusto ko kasi bumoto ng artista… kaso walang actors/actresses na candidate… sya na ang pinakamalapit na “artist” e. Nagdalawang isip din akong iboto si Jose Rizal. Babaero kasi yun e. Baka gamitin lang nya ang countrywide development fund nya sa mga babae nya. Inisip ko rin kung dapat bang iboto si Gabriela Silang dahil asawa sya ni Diego Silang? Sayang.. dapat pala ay nailista ko ang 12 na senador na binoto ko. Para na-share ko din ang dahil kung bakit ko sila pinili. Sa Party list naman – mga banda ang pagpipilian. Medyo nahirapan din ako.  Gusto ko kasi ang Neocolours, Eraserhead, Parokya ni Edgar, Hale, Cueshe, MYMP at Freestyle. Matapos ang mataimtim na pagiisip – MYMP ang binoto ko. Bakit? Kasi puro capital letters ang name nila. Madaling basahin.  Sa mga nandito sa Singapore at naka-register for OAV (Overseas Absentee Voting) – wag na kayo bumoto.  Para mas malaki ang chance kong manalo sa raffle!

4.    Kahapon pala ang State of the Nation Address (SONA) ni Ate Glow. Puro yun tuloy ang laman ng dyaryo ngayon. Glowing si Ate Glow sa pula nyang damit.  Recycled daw yun – para good for the environment. Wala lang – maganda naman ang mga sinabi nya. Sana nga magkatotoo lahat. Sabi din sa balita na maraming nag-rarally sa llabas ng batasan. Parang hindi na newsworthy yun.  Expected na kasi yun. Hmm.. napaisip nga ako… sa aking buhay (so far…) naka-5 na presidente na ako (Ferdie, Cory, Fidel, Erap, Ate Glow) — at sa pagkakaalam ko… yung mga nagrarally na grupo ngayon… ay the same group na nagrarally sa mga nakaraang presidente.  Makes me wonder…. wala na ba silang nagustuhan na presidente? Di ba sa buhay… kung galit ka sa “lahat”…. malamang hindi na yung “lahat” ang may issue? Wala lang… naisip ko lang naman. Hmmm… parang langgam si Ate Glow compare dun sa flag na nakasabit sa likod nya no?

Leave a Reply