Lakbay Pinas

July 23, 2007

May nadaanan akong site na nagbibigay grado kung gaano mo na nalakbay ang Pinas. Sa lakwatsero kong ito - “C-” ang aking marka! Aba… kailangang dagdagan pa ang lakwatsa. You can visit the link : http://forge.codedgraphic.com/lakbayan/


Monday Blues

July 23, 2007

1.        Today is my father’s birthday! I almost forgot – terrible in remembering dates. Naalala ko lang nung makita ko yung isang kasama ko dito na nagbo-book sa Tigerairways. Bakit ko naalala? Kasi  nagasabi sa akin ang tatay na pupunta sya dito for a vacation with my stepmom – and they still need to tell me the date para maibook ko ang flight kaagad. Anyway — Happy Birthday  Tatay… I know you are happy! J  

2.        I was reading a blog – di ko kilala kung sino… and there was an entry regarding Cebu inmates field demonstration or something. May youtube site — so tiningnan ko. Nakakatuwa! Preso man … ay talented pa rin! If you have time.. the links are : 

http://www.youtube.com/watch?v=Pdz38TIwqIQ

http://www.youtube.com/watch?v=TBaw8UdTTH8

http://www.youtube.com/watch?v=Ps7VFGQi74k   

3.        As usual — late na naman ako ngayon. At dahil sa late na ako — naisip ko na kay Madame Auntie na lang bumili ng breakfast. Baka kasi pangdilatan na naman ako ng mga asungot dito sa office kapag lumabas pa ako para bumili ng pagkain. Excited pa nga ako dahil sa pagkatapos ng maraming araw — ay muli na naman kaming magkikita ni Madame Auntie. Pero ang excitement na ito ay napalitan ng lubos na pagkabigla! Bakit? Dahil sarado na ang tindahan ni Madame Auntie! Napaligiran na ng manila paper ang salaaming pader ng tindahan. Wala naman akong nakitang nakapaskil na notice man lang na nagsasabing temporary closure lamang ito dahil sa renovation. Wala na! Wala na si Madame Auntie! Umalis sya ng di man lang ako nakakapagpaalam… ng di ko man lang nalaman kung saan sila lilipat. Hay…. nasa huli talaga palagi ang pagsisisi. L  

4.        Heard that Wendy and Bruce will have their own teleserye on ABS-CBN! Aba… talagang sikat na ang Wendy. Ano kaya yung storyline? Hmmm…. malamang na gaganap sila bilang celebrity housemates at papasok muli sa Bahay ni Kuya. Tapos aapihin ng mga ibang housemate si Wendy at lagi naman syang ipagtatanggol ni Bruce. Tapos dun nila malalaman na anak pala ni Kuya sina Wendy at Bruce.Dahil dito ay mapipilitan silang maghiwalay. Pero malalaman din nila na namatay pala yung isang anak ni Kuya at ipinalit lang si Bruce. Sa dulo ay magiging big winner si Wendy at magpapakasal sila ni Bruce.  Yan… maganda yang storyline na yan. Pero don’t worry. Kulang pa yan … iniisip ko pa kasi kung sino ang magkaka-amnesia at makikidnap. Di kumpleto ang pinoy teleserye pag wala itong dalawang scenario na to! J 

5.      Around 8:30++ a.m. last Saturday ay nasa Times Bookstore na ako sa may Tampines. I bought a copy of the new Potter book – Harry Potter and the Deathly Hallows. I was reading it… pero medyo tinigilan ko muna… Chapter 6 pa lang kasi ako — 2 na sa characters na gusto ko ang namatay! Ano ba yun… nakakalungkot naman. L Baka nga tutuo yung tsismis na namatay si Harry…. Opppsss…. Walang magkwento. Ang magkwento… isasama ko dun sa dalawang nadedo! Hmp!