Big night for Mommy Bei!
Yup. Tapos na ang PBB Season 2. Tulad ng mga ibang season — babae ulit ang big winner. Si Mommy Bei! I would have wanted Mickey to win. Pero I do think that Bea also deserve to be the big winner. Hanest…. hehehehe.
Siguro sa lahat ng PBB - itong season na ito ang talagang affected ako. Nasimulan ko kasi ito. Parang kilalang-kilala ko na lahat ng housemates. I love Gee-anne from the start. Gusto ko rin sina Mickey, Bea, Zeke at Jasmine. Simula pa lang - di ko na gusto sina Wendy at Robert. There was a time na inis ako kay Dionne. Yung ibang housemates… well they have their moments… sad to say..medyo forgettable na yung iba….
Aaminin ko… this season would have been a bore without Wendy. Wala pang housemate na talagang kinaiinisan. Biro mo natalo nya sa kabwisitan si JB of Season 1? Devil’s spawn nga minsan ang tingin ko sa kanya. Isa ako sa lubos na natuwa nung na-evict sya. Pakiramdam ko nun — the good triumphs over the evil. Pero may sorpresa pa pala si Kuya… binalik pa si Wendy. Marami ang lalong nainis… Ang height siguro ng inis ng tao sa kanya ay nung inaway nya sina Gee-anne at Bea — two of the most loved housemate. Dun na kasi lumabas ang ugaling magaspang ni Wendita. Talagang nagpakatotoo sya… as in pinakita nya na medyo kulang sya sa respeto at breeding. Hay… extreme hatred talaga ang naramdaman ko.. hehehe… affected ako masyado hahaha… I was not really surprised nung masama sya sa Big 4. Kung babalikan nyo ang dati kong blog… sinabi ko dun na I was expecting Wendy to be in the big 4. Nagkatotoo nga.
While watching the PBB Big Night… talaga namang on the edge of my seat ako. Baka kasi magkaroon ng dagdag/bawas at maging big winner pa si Wendy. The opening number is ok. The camera works is terrible. Hindi man lang ipakita yung mga housemates na sumasayaw. I laughed so hard dun sa number nina Candy Pangilinan and company. Nakakatawa si Candy as Bea. Kuhang-kuha pati tawa. Naaliw din ako sa mga gumagaya kina Gee-ann at Wendy. Jon Santos is good… classic nung ginaya nya sumayaw si Mickey. Kitang-kita ang hatred ng tao kay Wendy— kasi pati yung gumagaya sa kanya ay na-boo din. I was wondering at that moment kung gaano kalakas ang boo pag si Wendy na talaga ang lumabas. Medyo OA din si Wendy nung nayakap nya ang nanay nya. “Ayaw ko lang na kayo ang masaktan… okay lang na ako… ” or something to that effect. Judy Ann? Is that you? Feeling ko…. pumaprimetime para sa votes. Hmp. Medyo touching yung kay Mickey at Gee-anne. Medyo nagulat din ako nung parang alam nina Wendy na nag-boo ang mga tao tuwing nababanggit ang pangalan nya. Akala ko sound proof yung booth. Nagtipid naman ang ABS… baka naubos ang budget sa pag-vote kay Wendy hahaha.
I was surprised when Gee-ann was announced as the 4th placer. I was expecting Mickey on the 4th slot. Anyway - kitang kita naman na labs ng tao si Gee-anne. Saka 4th place is not that bad. Ang bad ay kung maging syota nya si Bodie hahahaha…. I am relieved when Wendy was called as the 3rd big placer. Kahit sya alam nya na sya na yun. As expected — naboo sya. Kasama na ako dun… nag-sms pa nga ako ng boo sa ilang kaibigan na kasabay ko nanonood (isa sa Pinas, isa sa Bedok at 2 sa Telok Kurau). Wala lang. Masabi ko lang na naboo ko si Wendy. After ma-announce na 3rd placer si Wendy… my friend Orange sent me an SMS …. Darating daw si Wendy dito sa Singapore (kasama dun sa travel tour na napanalunan nya)… salubungin daw namin sa airport para mabato ng kamatis… hahaha…. I sms ba na “call!!! sama ako dyan”… magleave pa ako from work kung kinakailangan. Pero lam nyo… medyo bumilib ako kay Wendy during that moment… she was able to handle the situation well. Ibigay na natin yun sa kanya. Medyo sumabit lang nung sinabi nya na kahit sya ang saktan ay okay lang…. hmmm… nag-aaudition ba sya for a teleserye?
Nung naiwan na sina Mickey at Bea — I am quite happy. Kahit sino pa manalo sa kanila… oks na oks sa akin. They both showed maturity sa loob ng bahay. They both did their best sa mga task. Nakisama rin silang dalawa ng mabuti sa ibang housemates. Mickey was announced as the 2nd placer… and Bea was the big winner. Mickey was very emotional nung nakita nya ang family nya. Nakakatuwa si Bea nung bumukas yung mirror ball. Nakapose pa talaga hehehe. The show ended with Cebalo singing the Pinoy ako song.. with the Season 2 housemates. Hmm…. namiss ko si Panky….parang kulang kasi sa dating yung 3.
Tapos na ang PBB Season 2… pero I don’t think that we have seen the last of the housemates… well some of them probably… pero may mga ilan na for sure ay magiging laman ng ABS shows. The Buzz.. then sa ASAP… Umagang Kay Ganda… Your Song… etc…etc…. Hintaying nyo na lang sila.
P.S.
Pag dumating dito sa Singapore si Wendy… naisip ko na hindi coins or kamatis ang ibabato ko…. Hookien Mee…..para mafeel nya ang Singapore cuisine… don’t worry…. sa Kims naman ako bibili… para masarap….. ayan ha…mag-eeffort ako.. sana ma-appreciate nya!