Mayroon akong kwento… kwento ng isang Pinoy. — itago natin sya sa pangalang – Soosie. Bakit Soosie? Wala lang. Gusto ko lang na Soosie. Bakit ka ba nakikialam. Kung ayaw mo nang pangalang Soosie – i-cut paste mo ang story na ito sa isang word document at i-replace ang Soosie ng kung ano mang pangalan na gusto mo. Ok? Wag mo akong simulan. Mainit ang ulo ko.
Nasan na tayo – okay… si Soosie ay isang typical na Pinoy. Nangangarap sya na bigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya (ama, ina, mga kapatid, asawa ng mga kapatid, mga pamangkin, tito, tita, friends, neighbors and other countrymen). Upang matupad ang pangarap na ito ay nagbakasakali sya at nangibang bansa. Swerte naman at nakakuha sya offer para magtrabaho sa Singapore bilang mananahi. Masayang-masaya si Soosie. May trabaho na sya – ito na ang simula ng pagtupad nya sa kanyang mga pangarap- bukod sa magandang buhay sa kanyang pamilya (ama, ina, mga kapatid, asawa ng mga kapatid, mga pamangkin, tito, tita, friends, neighbors and other countrymen) – maari na rin syang makabili ng ilang pang mga pangangailangan tulad ng Ipod touch, Iphone, macbook pro, nintendo wii, Nikon D90, Sony HD TV, Sony VideoCam at Sony PSP. Tulad ng daang-daang Pilipino dito sa Singapore – pumasok si Soosei bilang contractual. Isang taon ang kontrata nya – renewable depende sa mood ng kumpanyang papasukan nya – at lagay ng loveteam nina Fann Wong at Christopher Lee. Pero dahil sa mas mataas naman ang matatanggap nya kaysa sa manahi sa Pinas – kinareer na nya ito. Tinanggap na ang oportunidad at nagpasalamat sa swerteng ibinigay sa kaniya.
Baon ang sipag at tiyaga – lulan ng budget airline – lumipad si Soosie. Si Soosie ay na-assign na manahi sa isang multinational na financial company. Ano tatahiin nya sa financial company? Basta… sabihin na lang natin na meron. Tuwang-tuwa si Soosie. Sinabihan sya ng ahente nya na the client expects her to work ng mabilis, simple lang, may kalidad, mula simula hanggang wakas. Tulad ng mga batang contestant ng Little Big Star — nangako sya na gagawin nya ang kaniyang best.
Sa pagdaan ng mga araw — nagpursige si Soosie. Trabaho to the max ang Soosie. Overtime to the max sya kahit walang bayad ang overtime. Ang mahalaga – matapos ang mga tahiin . Ilang buwan ang nagdaan – sinabihan si Soosie ng kliyente na natutuwa ito sa pagtratrabaho nya ng mabuti. Bilang gantimpala ay gagawin nya itong mananahi na on-call 24X7. Pero wag syang mag-alala – may dagdag naman na 100 dolyar kada buwan bilang allowance. Nais man nyang tumanggi – ay walang nagawa si Soosie. Mula noon – hindi na nakakatulog ng malalim si Soosie. Bakit? Dahil sa alam nyang kahit na anong oras ay maari syang tawagan para manahi. At hindi pwedeng hindi mo ito sagutin agad — dahil ito ay sewing emergency. Kung hindi mo ito masasagot – malulugi ang kumpanya!
Unti-unti nang naiisip ni Soosie na mukhang medyo dehado sya. Biro mo – bukod sa normal nyang 9:00-7:00 na pasok (na kadalasn ay extended to 9:00 to 10:00 – without pay)… pwede pa syang tawagan kahit anong oras… kadalasan ay madaling araw. Di lang yan — pati weekends at public holiday kasama. Pero dahil sa isa syang Pinoy – at sanay sya na kinakawawa bago ang magwagi (Mara-Clara syndrome) - pinagpatuloy lang nya ang pagtratrabaho. Inisip na lang nya – kailangan ng bagong Rayban ni Boy … bagong Gameboy ni Girlie, Crocs ni Tatay, Gucci bag ni Nanay, Banana Republic na shirts sa mga in-laws, Barbie doll ng mga pamangakin at Imported na sabon at shampoo para sa others. Dahil sa sobrang sipag ni Soosie – ay napansin siya ng kanyang amo. Isang araw – ay muli sya nitong kinausap – “Soosie… Lah! You work so hard what. Your work is good. No mistakes. Because of this – I will give to you more work.! You need to help Worker 1 and Worker 2 as well. They don’t do good job. You do good job! Good job! Lah”. As usual — wala na namang nasabi si Soosie. Medyo nagtagal kasi bago nawala ang shock na naranasan nya. Ganun? Dahil sa masipag sya at mapagkakatiwalaan – dadagdagan pa ang trabaho nya? Hindi man lang sya sinabihan na dadagdagan ng sweldo! Aiyah. Riddikulus! Este… ridicoulous pala. Pero kung may magic lang nga sigro si Soosie – baka na-transfigure na nya ang amo nya para maging isang bato. Sarap ibato e.
Pero dahil sa katatanggap lang nyang sulat na nangangailangan si Pinsan ng sponsor dahil tumatakbo itong Lakambini ng Baranggay Kurimaw — tinanggap na rin ito ni Soosie. Ano pa ang magagawa nya – she looked at the positive side – dapat maging proud pa nga sya dahil nakita ng amo nya ang sipag at tiyaga Personal satisfaction yun. Something na di mababayaran ng pera. Na-inspire tuloy lalo si Soosie na magtrabaho pang mabuti. Bukod sa normal nyang trabaho – naging tagalinis na rin sya nung mga kalat na ginagawa nung dalawa pa nyang trabaho. Okay lang yan – sabi nya sa sarili nya. Ang importante ay sumusweldo. Work hanrd … and for sure… rewards will follow. Malay mo – mapermanente na sya. E di dadami ang kanyang leave, magkakaroon na rin sya ng mga benefits at syempre matatawag na siyang Mam. Mam Soosie. Aba. May dating.
Isang araw – pinatawag silang lahat ng ahente nila. May ibabalita daw. Ano? Ano? Ang pagtaas ng bilihin? Pagtaas ng bayad sa renta? Pagtaas ng kuryente? Pamasahe? Ticket sa Sine? Yun lang kasi ang madalas na laman ng balita. Hehehe. Tawanan silang mga contractuals. Hindi daw – sabi ng ahente nila. May bagong patakaran daw. Babawasan ng kalahati ang allowance nila. What????? Bakit? Basta daw. Bagong patakaran! Kailangan sundin. Maswerte pa nga daw sila. Dahil yung mga bagong darating ay wala nang allowance! Shock ulit si Soosie — ganun? Binawasan na nga — kami pa dapat mag-thank you?
Unti-unting namula si Soosie. Nanginig ang kanyang kalamnan. Umusok ang kanyang tenga. Saka sya napasigaw ng “ I love you Piollooooooooo!” … este “Hindeeeeeee maaaarrrrrriiiiiiii itooooooooooooooo!!!!!!”. Tama Na! Sobra Na!”. Napatingin ang lahat kay “Soosie. Soosie? Is that you? Marunong ka palang sumigaw?” – yan ang sabi ng lahat kay Soosie. Tiningnan ni Soosie ang lahat ng mga kasamang contractual…. Sabay sabing — “Panahon na para matapos itong pang-aapi sa atin! Kailangan tayong kumilos! Kailangan malaman nila ang ating saloobin! Kung kaya’t….. susulat ako ng email!”. Palakpakan ang lahat. Ang tapang na talaga ni Soosie.
Dear Sir:
What you are doing is not fair. We are working hard and should be compensated accordingly. But – instead – you are removing our measly benefits. This is not fair.
Love lots,
Soosie
Dear Soosie,
Life is not fair.
Your Sir,
Taning
Hindi makapaniwala si Soosie. Sino bang tao ang hindi makokonsensiya pag pinadalhan ng e-mail? It was a gutsy move on her side ika nga. Pero wa epek kay bossing. Sabagay – naiisip ni Soosie – umalis man ako — napakaraming Pilipino ang nakapila upang pumalit sa pwesto kong ito. Swerte na nga sya. Kahit naapi. Kahit naiisahan. Pasalamat nga sya at binigyan pa sya ng trabaho. Pero minsan – importante din yung respeto sa sarili. Pag hindi pa siya umalis sa trabahong ito. Baka hindi na nya irespeto pa ang kaniyang sarili. Tama. Uuwi na lang sya sa Pilipinas at duon mananahi. She will be the best mananahi ever! — medyo pagmomoment ni Soosie.
Taas no… tumay si Soosie sa kaniyang upuan. Haharapin nya ang ahente nya… ang amo nya. Sasabihin nyang – I resign!. May yabang na naglakad si Soosie patungo sa opisina ng amo nya. Bubuksan na nya ang pinto nang biglang tumunog ang cellphone nya. May SMS si Girlie. Naku baka importante.
“ATE. PBLI NMN AK NG BGONG GUESS NA WTCH. PA-BDAY MO NA SA AKN. YNG DW CAR STEREO NI TATY. KHT MDYO LUMNG MDL. BSTA PWDE MAGPLAY NG BLU RAY. SI NANAY PALA. SIZE 6 DW SA PRADA SHOES. KW NA MAMILI DHL MGNDA NMN TASTE MO. SNA TITA/TITO PWDE NA DW NG JHNY WLKR. INGT KA DYN. WE LUV U”
Epilogue
Dear Soosie
You are doing a good job. Congratulations. Because you are doing a good job — please help Worker 3 and Worker 4 .
By the way – effective today – we will be removing the allowance.
Your Sir,
Taning